MABISANG PAMAMARAAN SA PAG AALAGA SA TUPA AT KAMBING
PAGPUPURGA / DEWORMING Ang purga o deworming ay ang pagtatanggal ng bulate sa bituka ng tupa o kambing sa pamamagitan ng pagpapa-inom ng gamot. Ang mga bulate ay kumukuha ng nutrisyon na dapat ay para sa hayop na apektado. Nagdudulot ito ng pamamayat, pangit na balahibo at pagtatae ng tupa o kambing. MGA GAMOT PAMPURGA ALBENDAZOLE - Gamot pampurga na mabisang pang-kontrol ang pagdami ng peste kagaya ng roundworm, lungworm, tapeworm at fluke (naninirahan sa atay) ng ating mga tupa at kambing. FENBENDAZOLE - Isa din itong uri ng pampurga na ligtas gamitin para sa mga buntis na tupa at kambing. - Kung sa tingin ay buntis ang kambing o tupa mas mabuti na Fenbendazole ang gamitin dahil maari makunan ang inahin kapag Albendazole ang gagamitin na pampurga DOSAGE: 1ml kada 10kilogram na timbang ng tupa o k...