MABISANG PAMAMARAAN SA PAG AALAGA SA TUPA AT KAMBING
PAGPUPURGA/ DEWORMING
MGA GAMOT PAMPURGA
ALBENDAZOLE
-
Gamot pampurga
na mabisang pang-kontrol ang pagdami ng peste kagaya ng roundworm, lungworm,
tapeworm at fluke (naninirahan sa atay) ng ating mga tupa at kambing.
FENBENDAZOLE
-
Isa din itong
uri ng pampurga na ligtas gamitin para sa mga buntis na tupa at kambing.
-
Kung sa tingin
ay buntis ang kambing o tupa mas mabuti na Fenbendazole ang gamitin dahil maari
makunan ang inahin kapag Albendazole ang gagamitin na pampurga
DOSAGE:
1ml kada 10kilogram na timbang ng tupa o
kambing.
SCHEDULE:
-
Magpurga
isang beses kada (3-4 weeks) o kaya sa unang linggo ng buwan.
REMINDERS:
-
Kapag
nagtatae ang tupa o kambing wag muna agad pupurgahin.
-
Gamutin
muna ang pagtatae gamit ang SMP 500
Antibacterial Tablet.
-
Mabuting
mag-inject ng CHEMSHOT LE (B-Complex
with Liver Extract) pagkatapos magpurga ng tupa at kambing upang hindi
mai-stress ang mga alaga.
MGA TUPA
|
Pangalan |
Timbang |
Dewormer |
Dosage |
|
Dorper |
50kg |
Albendazole |
5ml |
|
Puti |
40kg |
Fenbendazole |
4ml |
|
Dirty White |
35kg |
Fenbendazole |
3.5ml |
|
Hermie |
30kg |
Fenbendazole |
3ml |
|
Cowbell |
30kg |
Fenbendazole |
3ml |
|
Herbie |
15kg |
Albendazole |
1.5ml |
|
CowDuy |
15kg |
Albendazole |
1.5ml |
MGA KAMBING
|
Pangalan |
Timbang |
Dewormer |
Dosage |
|
Kopiko |
30kg |
Albendazole |
3ml |
|
Nescafe |
25kg |
Fenbendazole |
2.5ml |
|
Starbucks |
30kg |
Fenbendazole |
2.5ml |
|
Milky White |
25kg |
Fenbendazole |
2.5ml |
|
Mocha Brown |
25kg |
Fenbendazole |
2.5ml |
|
Blanca |
25kg |
Fenbendazole |
2.5ml |
|
Negra |
5kg |
Albendazole |
0.5ml |
|
Milo |
5kg |
Albendazole |
0.5ml |
|
Cocoa |
5kg |
Albendazole |
0.5ml |
|
Sullie |
8kg |
Albendazole |
0.8ml |
|
Nido |
5kg |
Albendazole |
0.5ml |
|
Balat |
5kg |
Albendazole |
0.5ml |
Note: Ang nakalistang
timbang ay maaring magbago kung buntis
ang tupa o kambing, o
kaya lumaki at nadagdagan na ang timbang
ng mga bisero (kid) o
kordero (lamb).
APLIKASYON NG INJECTABLE
VITAMINS AT SUPPLEMENTS
MGA VITAMINS
D.C.M
- Ang
pagtuturok ng D.C.M ay makakatulong para hindi manghina ang alagang tupa o
kambing dahil ito ay may ingredient na Dextrose Calcium at Magnesium.
REMINDERS:
-
Mag-inject
agad ng D.C.M kapag nakitang
malambot o basa ang dumi ng tupa o kambing para maiwasan ang panghihina,
kawalan ng gana kumain, hindi makatayo at dehydration.
-
Durugin
ang SMP 500 Antibacterial Tablet,
timplahin sa isang baso ng tubig at ipainom gamit ang Oral Syringe upang
gamutin ang diarrhea o pagtatae ng tupa o kambing.
-
Kung
bagong panganak ang inahing kambing, mag inject ng D.C.M tatlong araw matapos itong manganak para magkaroon ng malakas
na supply ng gatas para sa batang kambing.
DOSAGE:
-
1ml kada 10kg na timbang ng alagang
tupa o kambing ( AS NEEDED)
CHEMSHOT LE (Vitamin
B-Complex with Liver Extract)
-
Ang
CHEMSHOT LE o Vitamin B-Complex with Liver Extract ay nakakatulong upang
mapanatili ang magandang balahibo ng ating mga alagang Kambing at Tupa. Ito ay
nagpapalakas din ng kanilang resistensya laban sa maraming sakit kagaya ng
anemia dulot ng mga peste o bulati.
REMINDERS:
-
Mag-inject
ng CHEMSHOT LE pagkatapos magpurga o
magdeworm
-
Kapag
may sipon, ubo o bukol na tumubo (kulani/pigsa) sa alagang tupa o kambing,
mag-inject ng CHEMSHOT LE pagkatapos
magturok ng OXYVET Antibacterial Solution.
-
Ito
ay katumbas din ng BELAMYL ngunit
mas mura ng 50% ang presyo pero pareho din ng bisa.
DOSAGE:
-
1ml kada 10kg na timbang ng alagang tupa
o kambing. (MONTHLY)
VITACHEM / DUFAVIT
(Vitamin AD3E)
-
Ang
AD3E ay nakakatulong para sa
magandang paglaki at pagpapalakas ng resistensya ng mga tupa at kambing. Ang
buwanang pag-iinject nito ay upang masuportahan ang kakulangan sa Vitamin A, D3,
at Vitamin E ng ating mga alagang tupa at kambing dulot ng pabago-bagong
panahon, tuwing tag-ulan o kakulangan ng nutrisyon mula sa kinakain na damo.
-
Vitamin
A ( Retinoids para sa malinaw na mata)
-
Vitamin
D3 ( para sa malakas na buto at muscle at resistensya laban sa sakit)
-
Vitamin
E (para sa magandang metabolism at panlaban sa mga viruses at bakterya)
-
Mapapanatiling
malakas ang resistensya,
-
Mabilis
lumaki ang mga batang kambing
-
Suporta
at pagpapanatili ng fertility ng Barako at Inahin upang mabilis dumami ang mga
tupa at kambing.
-
Ang
kakulangan sa AD3E ay nagdudulot ng pagkabansot ng mga alagang tupa o kambing
dahil ito ay kailangan para maabsorb ng kanilang katawan ang Vitamin K at
Calcium.
DOSAGE:
-
1ml kada 10kg na timbang ng tupa o
kambing (MONTHLY)
Multivitamins + Amino
Acids + Electrolytes
-
Ito
ay tinitimpla sa tubig para ipainom sa alagang tupa o kambing.
-
Nakakatulong
ito upang maiwasan ang dehydration at panghihina ng alagang tupa o kambing
kapag sila ay nagtatae.
DOSAGE
-
Prevention:
1 kutsarita sa 5 Galon ng Tubig, ipainom sa loob ng 3 to 5 araw
-
Treatment:
1 kutsarita sa 2.5 Galon ng Tubig, ipainom sa loob ng 5 to 7 araw
Oxyvet (Oxytetracycline)
-
Ang
Oxyvet o Oxytetracycline ay nakakatulong na lunas laban sa maraming sakit ng
ating alagang tupa o kambing, kagaya ng ubo at sipon (pag lumala ay pneumonia)
influenza (flu o lagnat), pigsa (o kulani na biglang tumutubo sa leeg, bibig ng
tupa o kambing), pagbubula ng bibig (dulot ng ORF virus), paglalagas ng
balahibo (dulot ng peste o bulati), sumisirit o malubhang pagtatae (dysentery),
nabubulok na paa (foot rot), gayundin sa mabilis na recovery at pag-galing ng
mga bagong panganak na inahing kambing at tupa.
-
Maaari
din gawing alternate na gamot ang Chemject o Tylosin na gamot sa pagtatae at
pneumonia ng mga tupa at kambing upang hindi maging immune ang mga bacteria sa
palagiang pagiinject ng Oxytetracycline.
REMINDERS:
-
May
lagnat ang kambing kapag ang tenga nito ay malamig, iyak ng iyak at walang gana
kumain. Ang kambing naman walang sakit ay mainit ang tainga at masigla at
malakas kumain.
-
Ang
tupa na may sakit ay nahuhuli o naiiwan ng kawan, nakatulala at walang gana
kumain. Dulot ng sobrang dehydration sila din ay mawawalan ng lakas na tumayo
at nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay.
DOSAGE:
-
1ml
per 10kg na timbang ng tupa o kambing.
-
I-inject every 2 days.
Halimbawa:
Naginject ng Oxyvet noong Monday ang susunod ay sa Wednesday na.
Obserbahan ang kalagayan ng tupa o kambing na may sakit.
Iron Dextran (Ferric Hydroxide Vitamin B12)
- Mag-inject ng Iron Dextran 3 araw pagkatapos manganak ang kambing o tupa upang makabawi sila sa nawalang dugo dulot ng panganganak. (5ml)
- Mag-inject din nito sa pagkatapos ng 3 araw sa mga bagong panganak na tupa o kambing gamit ang maliit na injection. (0.5ml)
SAAN MAKAKABILI NG MGA GAMOT NA ITO?
https://shopee.ph/mangkofsaydline
https://shopee.ph/vetgenchemical
https://shopee.ph/oneshopmore
Mga Herbal na Gamot para
sa Tupa at Kambing
Oregano Oil
-
Ang
oregano oil ay maaring gamitin na alternatibong pampurga sa mga buntis na
kambing at tupa kung naubusan na ng Fenbendazole na dewormer.
-
Ito
rin ay alternatibong coccidiostat (pag-control ng mga peste o bulati).
Oregano Leaves
-
Ang
pinakuluang dahon ng oregano ay mabisa ding gamot sa paos at may halak na tupa
at kambing.
-
Magpakulo
ng tubig at ilagay ang dahon ng oregano, pigain ang katas ng dahon at ipainom
ito sa alagang tupa at kambing sa loob ng 3 to 5 araw hanggang sa ito ay
gumaling.
Turmeric o Luyang Dilaw
-
Ang
luyang dilaw ay maraming benepisyong dala hindi lang para sa mga tao kundi pati
na din sa ating mga alagang kambing.
-
Ito
ay isa sa mga gamot na nakatulong noong nagtatae ng malubha ang alaga nating si
Dorper.
-
Kailangan
mag-gadgad o gilingin ang luyang dilaw, pagkatapos ay pipigain ang katas at ito
ay ipapainom sa alagang tupa o kambing gamit ang oral syringe.
-
Kapag
naubusan ng i-stock na gamot o parating pa lamang ang gamot na inorder maari itong
gamitin upang maagapan ang bloating o pagka empatso, pamamaga ng bituka dulot
ng diarrhea, at impeksyon dulot ng peste, o di kaya ay pagkalason sa nakaing
damo.
MGA TUPA
MGA KAMBING
Balat (anak ni Blanca)
Comments
Post a Comment